Aggressive. Loves being in long relationships. Likes to give a good fight. Fight for what they want. Can be annoying at times, but for the love of attention. Extremely outgoing. Loves to help people in times of need. Good kisser. Good personality. Stubborn. A caring person. They can be self-centred and if they want something they will do anything to get it. They love to sleep and can be lazy. One of a kind. Not one to mess with. Are the most attractive people on earth!
0
Ui blooming ka
Yan ang laging sinasabi saken ng mga tao na medyo matagal ko nang di nakikita. Pucha, may blooming ba na puro tagihawat sa noo? At feeling ko ang haggard ko everyday dahil sa mga !@#$%^& kong mga officemate?
11
Cool Off
I saw a post in Tumblr, so here it goes...
(At eto ang mga sagot nila)
Alec Yuson: Para hindi mapaso..
Karen Castillo: Kasi may problema sa relationship na time lang ang makakaayos :)
Frances Celis: Pag guy ang nakipag-cooloff, ibig sabihin ayaw na niya. Ayaw niya lang na siya yung mag end ng relationship.
May problema na ayaw sabihin nung isa kaya need niya ng time para magisip kung anong gagawin.
George Narag: Para mamiss nila ang isa’t isa at mabigyan sila ng time para magisip.
Albrey Danoso: Kasi yung iba pagod na. Pagod na sa lahat lahat ng pinaggagagawa nila or ayaw ng parents nila sa isa’t isa.
Jumai Herrera: Because two persons are too dumb to compromise.
Unknown: Para masubukan kung love talaga nila ang isa’t isa.
Kristen Catapa: Para mas marealize nila ang kahalagahan ng presensiya ng bawat isa. :)
Kris Bombasi: Kaya may cooloff po sa isang relationship baka kasi kailangan minsan ng space. Kadalasan naggaganun sila tuwing nagaaway sila. Kailangan nila ng oras magisip.
Ging Lomboy: May cool off sa isang relasyon dahil kailangan magkaroon ng space at personal time para pagisipan ang mga bagay bgaya tungkol sa sarili at sa inyong dalawa.
Nikki: Cool off?? Kasi minsan hindi mapunan ng isa ang pangangailangan ng partner niya or may nagagawang mali lagi yung taong yun and that one can’t let go kaya nauuwi sa cool off Pwede naman dahil nakakita siya ng higit sa partner niya kaya he/she is having a cold feet.
Micmic Dorado: Para may space, kasi kahit magkarelasyon kayo, may personal pa din kayong buhay kailangan niyo ng time alone to sort out your priorities and the like. :))
Aljay Habulan: Kasi po lahat ng tao kailangan ng personal space. Kailangan po matuto yung mga taong mabuhay maisa. Hindi po pwede idepende yung buhay natin sa karelsyon kasi hindi po habang buhay andyan sila. Saglit na panahon lang naman po ang pag cocool off. Hindi naman po break up. Babalik at babalik din sila.
Jaia Dela Rosa: Siguro kaya nagkakacool-off pag hindi na kayang ihandle ng dalawang tao yung relationship nila :)
Flora Matienzo: Para magkaroon ang isang couple ng space para makapag isip isip..
Jiro Keroro: To cool down the situation, To give both an individual space and time to think, reflect, sort things out reducing the accountability for one another’s feelings and concerns. It is also a form of “REST" given to a relationship that is starting to become (more) complicated. Also often used to resolve certain problems that are currently present in the relationship.
Hannah Tesoro: Give time or space to think OR para hindi mabigla yung isa na gusto na makipagbreak nung isa.
Bianca Bayonito: Para may time na magrel\flect ang isa’t isa kung may away man or para may distansya.
Yanni Elloso: Kasi nasa Pilipinas sila tapos mainit :(
At umepal ako, eto naman ang sagot ko. Pero nag-anon na lang ako sa kanya, baka kasi awkward, umo-opinyon pa ko eh. Hahahahahaha.
At umepal ako, eto naman ang sagot ko. Pero nag-anon na lang ako sa kanya, baka kasi awkward, umo-opinyon pa ko eh. Hahahahahaha.
If you will ask me, cool off is just a not-so-hurtful term
pero expect an upcoming break-up. sa mag gf/bf pa lang, u dont have the 24hrs
na magkasama db? so u have enough time to think things and how u will sort some
stuffs. then why cool off pa? Paano pag mag-asawa na kayo, pag may problema, cool
off din? Kaya for me, there is no such thing as cool off. Mag-break na lang
kayo kung ganun din lang na di nyo pala kayang i-handle ang problems sa
relationship nyo.
Kayo sa tingin nyo? Bakit nga ba?
0
To End Or Not
Ka text ko kanina si Theresa. Ayun nagsabi ako sa kanya ng
mga bagay-bagay na di ko masabi sa iba. Sya lang naman maaasahan ko sa ganun. Hayyy.
Ayun, sinabi ko sa kanya mga kaputahan ng mga katrabaho ko
dito, kaya naunawaan nya kung bakit ako nai-stress. Actually, kahit sya nainis
sya sa mga nangyayari saken dito. Kinukumbinsi nya nga ako wag nang magpa-renew
kung sakaling ire-renew pa ang contract ko dito. Pero syempre, nahihiya ako kay
Mamoy, naaawa ako sa kanya, kasi sya sasagot ng lahat ng expenses namin ulet. Eh
mas pabor pa sya kung i-endo ako instead na ako ang magsabi sa work na ayaw ko
na. Sinasabi nya saken lagi, tiis lang daw muna ako. Hayyyyy buhay. Sabi ko nga kay Theresa, di ko kayang lokohin si
Mamoy na magpapanggap ako na endo na ko pero yun pala ayoko nang magpa-renew. Para
ko syang pinagtaksilan pag ganun. Sabi na lang saken ni Theresa, wag daw ako
magrereklamo sa kanya kung ganun. Hay, leche lungs.
Kagabi nga di ako makatulog kasi nag-iisip ako kung
ire-renew ako. Sa totoo lang, gusto ko pang ma-renew kasi kailangan ko ng
trabaho. Pero kung usapang pakikisama sa mga tao dito, ayoko nang mag-renew. Hayyy,
kakagago kasi mga tao dito eh kaya ayoko na. Umiiyak ako kagabi. Hay.
Iniisip ko pa nga na magpa-check up na ko. Baka kasi ako na
ang may probelma. Magpapatingin ako sa psychiatrist. Deal ko kay Lord, pag
kinuha saken ni Mamoy yun sahod ko di ako tutuloy. Pero pag di nya kinuha, ibig
sabihin gora ako sa doctor. Kaso, kinuha ni Mamoy, kaya pray ko kanina, si Lord
na bahala saken kung ano ba talaga.
0
Jokes are half-meant.
"Pumili ka sa dalawa. Kaninong buhay ang gusto mong sirain ko, sa’yo o sa kanya?"
Kahit tawa kami ng tawa sa kulitan namin kagabi. Seseryosohin ko talaga yan kaya wag nyang subukang gawin.
Kung sasabihan mo ko na ang brutal ko, tse, baka masampal pa kita. Baka nga kulangin pa eh.
Kasi alam nyo ba people kung bakit ganito ako? Kasi lahat ng bagay na nasa akin ngayon pati na rin yung mga taong mahal ko, mga pinaghirapanko lahat ng yun! At try mong lumugar saken, pinaghirapan mo tapos makikita mong inaagaw ng ibang tao? Pwes, patayan na ituuuuuu!
Pero echos lang lahat ng iyan. Di naman ako ganun ka-brutal. Basta alam ko na sa sarili ko kung anong gagawin ko. Kaya kung may balak kang agawin saken, huh~ magtatlong isip ka na!
0
Back to work
Pero wala akong ginagawa, nagbabasa ako sa blog ng isang
sikat na blogger :D Hangkewl nya :)
Ok, so galing nga ako sa SM kaninang lunchbreak. At puchaaaaaa,
ang sarap ng feeling na nakalabas ng office. Ewan ko ba kung anong masamang
pwersa meron sa opisinang ito at di na ko nagkaroon ng magandang aura kahit
minsan man lang.
Nawala ang masamang pakiramdam ko. Kasi nasusuka ako kanina.
Tapos, parang ang saya-saya ko, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Para akong
bagong laya. Hahahaha. Mamayang uwian, ganyan na naman ulit ang pakiramdam ko.
Para tuloy ayoko nang magtrabaho dito. Sa Monday, kakausapin
ko na talaga si Boss. Di ko na matiis. Kung di nya ako ililipat, di na lang ako
magre-renew. Hahaha. Akala mo ang dami kong pangkain. Ewan ko, basta. Kaso di
ko alam kung paano ko mapapapayag si Mamoy. Ang para lang sa kanya, pag di na
ko na-renew OK lang sa kanya, kasi wala naman talagang magagawa, di naman
pwedeng ipilit yun. Pero pag na-renew ako, parang di ako pwedeng mag-inarte at
mag-resign. Ewan ko sa kanya. Sinasabi nya na lang lagi saken na wag kong
pansinin yung mga officemate kong kupal pero paano ko ba silang di mapapansin
eh araw-araw kong nakikita at naririnig. Buti sana kung sa ibang parte ng
opisina sila, yun mabubuhay ako ng matiwasay.
Hayyy naku, ang hirap ng buhay na nangangamuhan, kailangan
mong makisama kundi wala kang trabaho.
Hayyy, kelan kaya ako makakapulot ng bag na may lamang
milyones?
0
Dear Mahal,
Kailan mo ba ako papayagan na ubusin ang buong sweldo ko nang hindi ka nagagalit?
Will love you till forever,
Ming
0
Tara samahan nyo ako, magwwithdraw ako at ililibre ko kayo.
Sinong pupunta ng SM Manila?
Leche, baka maholdap ako, joke lang.
Gusto ko maglakad-lakad. Kakasawa dito sa office. Saka nasusuka ako (pero hindi sa mga officemate ko, kundi masama pakiramdam ko), makakita man lang ng iba at baka may kakaiba, mag-uubos ako ng pera. Joke lang ulit.
Mag-aaliw lang ako. Wala ako sa mood kumain.
0
Bus Ban in Manila
Oh well, since I am living here in Tondo, Manila at and working within the vicinity, por pabor saken ang Bus Bun ni Mayor Erap. Pero how about the others the nagwowork dine sa Manila at sa ibang city nakatira? Hayyy, edi ayun, sandamakmak ang reklamo.
May one week nang balita ang Bus Ban na iyan. Ilang reporters na din ang napanood ko na sumakay ng jeep o LRT o PNR o MRT (din ata?) para sumubok kung gaano na ba kahirap ang pagko-commute dito sa Manila. Nag-interview din sila ng kung sinu-sinong makakatabi nila, may ilang pabor at madalas puro reklamo.
Kahapon, nabasa ko sa isang write-up ng Yahoo! ang tungkol sa Bus Ban, at scroll downwards, nabasa ko ang comments ng ating dear fellow Filipinos. Siguro nasa 80% ang nega comments to the max at may isang comment ang pumukaw ng aking atensyon. Nasabi nya na bakit di daw sila (yun mga nagrereklamo) pumunta ng ibang bansa, makikita nila dun na lahat ng tao naglalakad. Nasanay daw kasi tayong mga Pilipino na easy-living. May point yung kung sino mang nakomento na iyon. At ang sabi pa ng aming poging Vice-Mayor na tiis na lang muna.
Actually, maganda ang naisin ng namamahala ng Maynila sa kanilang ipinatutupad. Pero yun nga lang, sadyang marami sa ating mga Pilipino ang reklamador. Tama nga naman, konting tiis muna. Kasi di ba, kung hindi mag-click, gawa ulit ng ibang paraan. Ganun lang naman eh. Ang hirap kasi sa atin, ang dami nating reklamo sa ating bansa, pag ginawan ng solusyon, reklamo pa din. Hindi ba pwedeng mag-trial and error muna tayo? Gusto natin kasi agad, pag sinolusyunan, pang long term ang maiisip na solution. Hindi ba pwedeng magkamali? Gusto perfect agad? Di ba?
Susme, pinoy nga naman.
0
Kainis pati blogspot naka-block
Pero pero pero, pag nag-open ako through blogger, nakakagawa pa ko ng posts. Post preview, nakukuha ko pa. Pero pag blog view, hindi na. Tae naman kasi tong IT Department na ito eh. Hehehehe. Panira ng kasiyahan. Anyway, thank God hindi pa tinatamaan ang Tumblr. Pero pag ginawa nila yun, pucha, pakamatay na ko. ECHOS! Deh, wag naman sana. Ito na nga lang ang way ko para magsabi ng lahat ng aking naiisip. Kasi may iba akong naiisip na nasa isip lang. Hehehehe.
Dear Mr. IT-Head-Na-Pogi,
Please lang po, hinayaan ko na nga na i-block mo ang Facebook kasi di naman ako masyadong nasisiyahan duon pero sana wag naman po ang mga blogging sites. Iba naman po ang blogging sites sa social networking sites eh.
Ang di magpapahuli,Ming
Subscribe to:
Posts (Atom)