Oh well, since I am living here in Tondo, Manila at and working within the vicinity, por pabor saken ang Bus Bun ni Mayor Erap. Pero how about the others the nagwowork dine sa Manila at sa ibang city nakatira? Hayyy, edi ayun, sandamakmak ang reklamo.
May one week nang balita ang Bus Ban na iyan. Ilang reporters na din ang napanood ko na sumakay ng jeep o LRT o PNR o MRT (din ata?) para sumubok kung gaano na ba kahirap ang pagko-commute dito sa Manila. Nag-interview din sila ng kung sinu-sinong makakatabi nila, may ilang pabor at madalas puro reklamo.
Kahapon, nabasa ko sa isang write-up ng Yahoo! ang tungkol sa Bus Ban, at scroll downwards, nabasa ko ang comments ng ating dear fellow Filipinos. Siguro nasa 80% ang nega comments to the max at may isang comment ang pumukaw ng aking atensyon. Nasabi nya na bakit di daw sila (yun mga nagrereklamo) pumunta ng ibang bansa, makikita nila dun na lahat ng tao naglalakad. Nasanay daw kasi tayong mga Pilipino na easy-living. May point yung kung sino mang nakomento na iyon. At ang sabi pa ng aming poging Vice-Mayor na tiis na lang muna.
Actually, maganda ang naisin ng namamahala ng Maynila sa kanilang ipinatutupad. Pero yun nga lang, sadyang marami sa ating mga Pilipino ang reklamador. Tama nga naman, konting tiis muna. Kasi di ba, kung hindi mag-click, gawa ulit ng ibang paraan. Ganun lang naman eh. Ang hirap kasi sa atin, ang dami nating reklamo sa ating bansa, pag ginawan ng solusyon, reklamo pa din. Hindi ba pwedeng mag-trial and error muna tayo? Gusto natin kasi agad, pag sinolusyunan, pang long term ang maiisip na solution. Hindi ba pwedeng magkamali? Gusto perfect agad? Di ba?
Susme, pinoy nga naman.
0 comments:
Post a Comment