Fake Saridon

Thursday, July 25, 2013

Saridon ang pinakilala saken na gamot ng aking dating tauhan para sa matinding sakit ng ulo. One time, masakit ang aking ulo, binigyan nya ako ng gamot na ito, at tadaaaah, ilang minutes lang, parang instant, nawala ang sakit ng ulo ko. Sabi nya sa akin, yan ang iniinom nya tuwing nilalagnat sya, kase may binat sya mula sa panganganak.

Kaya, from that time, pag masakit ang ulo ko, Saridon ang aking binibili at iniinom na gamot. Ito din ang binibigay kong gamot para kay Mamoy pag sumasakit ang ulo. Kahit sya, tried and tested na nya ito.

Pero neto lamang mga nakaraang buwan, every time sasakit ang ulo ko, syempre kay Saridon ang takbo ko, pero parang nawalan na ata sya ng talab.
Pag iinom ka kasi neto, may parang cooling effect sa lalamunan kang mararamdaman. Pero neto ngang mga nakaraan, wala yung effect na yun. At wa epek din sa sakit ng ulo ko. Sabi ko tuloy kay Mamoy, baka wala nang epekto ang Saridon sa akin at baka ang kailangan ko na eh check-up. Hahahaha. Baka kasi  malala na pala ang sakit ko di na madaan sa gamot. Kaya pag sumasakit ang ulo ko, Saridon at Mefenamic Acid ang iniinom ko. Hahahaha. Pang matindi na ito. Buti nga nasa katinuan pa ko. Hehe.
So bale kanina, nang lumabas ako ng bahay, nakaramdam ako ng sakit ng ulo. Habang nasa byahe ako, sumasakit talaga ang ulo ko. Nang dumating na ko dito sa office, ininom ko yung isang Mefenamic Acid, wa eoek nga lang. Di ako makapag-concentrate sa aking mga kabulastugan. Hahahaha. Deh joke nagtatrabaho ako noh? So napilitan akong uminom ng Saridon. Pucha, naramdaman ko ulit si cooling effect. Ang sarap sa ilong. At naramdaman ko ang instant pagkawala ng ulo, este, sakit ng ulo ko. At heto ako ngayon, gumagawa na ulit ng kabulastugan. ECHOS!


So ayun, I therefore conclude that I was been a victim of fake Saridons before because it has no effect. Hahahahaha. Kaya ayun people, bumili lang ng gamot sa talagang botika! Kasi di natin alam na baka peke pala yung binebenta sa atin.

2 comments:

mom.of.three said...

ah so normal lang pala yung cooling effect niya? mas dapat pala akong mag-worry kung walang cooling effect..

mom.of.three said...

ah so normal lang pala yung cooling effect niya? mas dapat pala akong mag-worry kung walang cooling effect..

Post a Comment