— |
Mamaru
Yan yung sinasabi ng isang quote na, “Not all men have balls.”
Totoo naman. Yan ang mga lalaking walang sense of responsibility sa buhay, happy-go-lucking, walang direksyon. Gusto lang puro sex, pag nakabuo, mang-iiwan na lang. Yan yung mga lalaking DUWAG.
Naging biktima ako ng ganyang klase ng lalaki – for the record, Master’s real dad. Masakit mang tanggapin pero alam ko may mali din ako dito. Shunga-shungahan lang din noon.
Kaya, ngayon, nagagalit ako sa mga lalaking nang-iiwan ng babaeng nabuntis nila. Mga lalakeng nananakit ng babae. Mga lalaking buhay hari at yung babae ang pinagtatrabaho.
Minsan pinagdadasal ko kay Lord, sana wag na silang dumami. O kaya magpakidlat sya at tamaan ang lahat ng ganung klase ng lalaki para di na madagdagan biktima nila.
Kaya si Master, pinalalaki ko sya na di matulad sa mga ganyang klase ng lalaki. At maswerte ako kasi si Mamoy hindi ganyan.
|
“Lahat ng lalaki, me titi. Pero hindi lahat, me bayag.”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment