Kaya, from that time, pag masakit ang ulo ko, Saridon ang
aking binibili at iniinom na gamot. Ito din ang binibigay kong gamot para kay
Mamoy pag sumasakit ang ulo. Kahit sya, tried and tested na nya ito.
Pero neto lamang mga nakaraang buwan, every time sasakit ang
ulo ko, syempre kay Saridon ang takbo ko, pero parang nawalan na ata sya ng
talab.
Pag iinom ka kasi neto, may parang cooling effect sa
lalamunan kang mararamdaman. Pero neto ngang mga nakaraan, wala yung effect na
yun. At wa epek din sa sakit ng ulo ko. Sabi ko tuloy kay Mamoy, baka wala nang
epekto ang Saridon sa akin at baka ang kailangan ko na eh check-up. Hahahaha.
Baka kasi malala na pala ang sakit ko di
na madaan sa gamot. Kaya pag sumasakit ang ulo ko, Saridon at Mefenamic Acid
ang iniinom ko. Hahahaha. Pang matindi na ito. Buti nga nasa katinuan pa ko. Hehe.
So bale kanina, nang lumabas ako ng bahay, nakaramdam ako ng
sakit ng ulo. Habang nasa byahe ako, sumasakit talaga ang ulo ko. Nang dumating
na ko dito sa office, ininom ko yung isang Mefenamic Acid, wa eoek nga lang. Di
ako makapag-concentrate sa aking mga kabulastugan. Hahahaha. Deh joke nagtatrabaho
ako noh? So napilitan akong uminom ng Saridon. Pucha, naramdaman ko ulit si
cooling effect. Ang sarap sa ilong. At naramdaman ko ang instant pagkawala ng
ulo, este, sakit ng ulo ko. At heto ako ngayon, gumagawa na ulit ng
kabulastugan. ECHOS!
So ayun, I therefore conclude that I was been a victim of
fake Saridons before because it has no effect. Hahahahaha. Kaya ayun people,
bumili lang ng gamot sa talagang botika! Kasi di natin alam na baka peke pala
yung binebenta sa atin.
2 comments:
ah so normal lang pala yung cooling effect niya? mas dapat pala akong mag-worry kung walang cooling effect..
ah so normal lang pala yung cooling effect niya? mas dapat pala akong mag-worry kung walang cooling effect..
Post a Comment