0

Lakas magbolahan. Mga hugis bola kasi.

Sunday, August 11, 2013


  • Nagtext Si Mamoy...
  • Mamoy: Mahal kung mataba na sexy, hehe. D2 n q office.
  • Ming: Ok po, asawa kong pogi na feeling Chris Tiu. Mwah
0

If you are a Globe Subscriber and a certain promo eching eats up your load


Type Stop All and send to the number that keeps on texting you.
Eg. Type Stop All and send to 2626.
Yan yung putanginang kiliti.com.ph na di ko alam kung paano ako napa subscribe dun.
0

Buffet 101


Me: Good afternoon Sir. Sorry to inform you that I will not come to our dinner tonight.
Boss: Kasama ka. Part ka ng team.
Me: I know sir, thanks. May sakit po kasi anak ko.
Honestly, hindi naman as in sakit na sakit yung anak ko. May ubo kasi sya, ayoko na nagsasaya ako tapos yung anak ko may nararamdaman. And ino-observe ko pa sya before ko dalhin sa doctor. Kasi di naman ako nagpupunta agad-agad ng doctor kung gagaling naman agad yung sakit.
Saka, ayoko sumama sa kanila. Kahit kakain sila sa Buffet 101. Di naman kasi ako sabik sa mga ganun. Gusto ko kung makakapag-dine ako dun ang una kong kasama family ko. Hindi ibang tao. Ayoko kasi na nagsasaya ako tapos yung mag-ama ko parang kawawa sa bahay. Sama ko naman.
Saka, alam ko na part ako ng team. Alam ko I contributed something para ma-reach namin ang quota at magkaroon ng ganitong reward. Sana wag isipin ni boss na nag-iinarte ako. Sadyang ayaw ko lang.
Hay, kung pinera na lang nila. Mas masaya pa ako. Hehehe.
0

If people doesn’t like you

Just think of these two things instead of hurting yourself:
  • Let them be. As the old saying goes, You can’t please everybody.
  • Accept and continue your life. Besides, they don’t feed you. There’s no way you can change that. Live with it. 
0

Parang ganito lang yan...


Naglalakad ka sa daan. Sa paglalakad mo, may nakita kang mama na nagtitinda ng ibon. Bumili ka ng isa, at nagpatuloy ka na sa paglalakad. Sa paglalakad mo, kasama mo na yung ibon. Syempre makakaramdam ka ng saya dahil sa presensya nyang nakakaaliw. Pero biglang umulan, naghanap ka ng masisilungan at aksidente mong nabitawan yung ibon. Syempre, lilipad na iyon. Wala na sa kamay mo. Nang tumigil yung ulan, dalawang bagay lang ang pwede mong gawin, magpaka-stuck sa lugar na yun at umasang lilipad pabalik sayo yung ibon o didiretso ng paglakad na wala na yung ibon?
Just think of this, as they say, we meet them either to learn something from them or makasama pa rin natin sa paglalakad ng buhay. We still have the same life before sya dumating at after nya mawala. It’s just that, there is this certain point of our life na darating sya at medyo maiiba yung paraan natin ng pagtahak sa buhay na ito. At there is also this point na maaari syang umalis.
They say, people just come and go. And it is still up to us whether we will continue our life miserable, missing that person or being happy because we are given the chance to meet and love them.
0

Zumba


Last Thursday, on my way home, naisipan kong dumaan sa nagtitinda ng dibidi para bumili ng maaari naming panoorin ni Master. I stumbled upon this P10 only dibidi store. Edi pili to da max ako kasi mura lang at yung iba dun medyo bago pang mga movie.
Sa pag-iikot ng aking mga mata, nakita ko ang isang dibidi na Zumba. Matagal na akong naghahanap neto kaso nahihiya ako magtanong sa nagtitinda kasi baka maya may kasabayan akong bumili tapos tignan ako from head to stomach to toe. Baka makajombag ako ng wala sa oras. Hihi.
At nakabili ako ng tatlong dibidi. Isa yung, Jack the Giant Slayer, White House Down, at ang Zumba.
Pagdating sa bahay, inuna ko ang Zumba, sneek-peek lang naman. Oh well, I was satisfied sa nakita ko kasi talagang Zumba eching nga sya. Bukas ka saken, hehehe. Sabi ko sa sarili ko. Saka may pasok si Tzade kaya makakasayaw ako ng matiwasay na walang nang-aalaska.
Tapos, sinalang ko na ang Jack the Giant Slayer, at sawa kami manood ni Master, while I’m preparing for the dinner.
Kinabukasan…
Maagang umalis si Tzade. Pinainom ko muna ng gatas si Master at ininom ko yung natirang kape ni Tzade. At presto after that, play ang Zumba.
Isang part lang muna ang tinira ko kasi nag-inaso si Master, pinapaulit yung pinanood namin kagabi. Para tumahimik, pinagbigyan ko. Tapos inayos ko na yung breakfast naming dalawa, at natulog kami.
After an hour, nagising ako, tulog pa din si Master, at tumira ulit ako ng pagsayaw ng Zumba. Naka-tatlong part naman ako. Grabe ang pawis ko, tumataginting.
Kaso, hirap na akong gumalaw ngayon, unlike nung college, carry lahat ng moves at carry kahit maghapon hanggang gabi na practice. Ngayon, more than an hour lang, grabe na ang hingal ko. Ang bigat na din ng katawan ko. Ang alog na din ng braso ko :( Kaya sabi ko, dapat tuloy-tuloy ito.
Kaso, ang problema ko si Mamoy. Kasi naman, ayoko na inaalaska nya ako. Kaya dapat pag nawawala sya dun ako magus-Zumba. For the win.
0

One of the Rules for Happy Living


Keep quiet.
Live your life.
And don’t mind those madapacking sheets.
0

“Lahat ng lalaki, me titi. Pero hindi lahat, me bayag.”


— 
Mamaru

Yan yung sinasabi ng isang quote na, “Not all men have balls.”
Totoo naman. Yan ang mga lalaking walang sense of responsibility sa buhay, happy-go-lucking, walang direksyon. Gusto lang puro sex, pag nakabuo, mang-iiwan na lang. Yan yung mga lalaking DUWAG.
Naging biktima ako ng ganyang klase ng lalaki – for the record, Master’s real dad. Masakit mang tanggapin pero alam ko may mali din ako dito. Shunga-shungahan lang din noon.
Kaya, ngayon, nagagalit ako sa mga lalaking nang-iiwan ng babaeng nabuntis nila. Mga lalakeng nananakit ng babae. Mga lalaking buhay hari at yung babae ang pinagtatrabaho.
Minsan pinagdadasal ko kay Lord, sana wag na silang dumami. O kaya magpakidlat sya at tamaan ang lahat ng ganung klase ng lalaki para di na madagdagan biktima nila.
Kaya si Master, pinalalaki ko sya na di matulad sa mga ganyang klase ng lalaki. At maswerte ako kasi si Mamoy hindi ganyan.
0

“I’m sensitive. Deal with it. If you can’t, that’s no longer my problem anymore.”



Pinost ko kanina sa facebook. Ang taray ko ano? May pinaghuhugutan kasi ako. Nag-inaso na naman kasi ako kagabi. Boset na Mamoy yun.
Edi, nagsideline na naman ako kagabi sa mga amo ko. Mga wala na kasing susuotin kaya naglaba na ako. Tulad ng dati, ako na naman lahat, si Mamoy lang ang huling banlaw, hakot sa rooftop at sampay ng konte. Nung nagsasampay kami, sabi ko, hintayin mo ako, huh? Naknampucha, saan kaya galing yung masamang hangin sa tuktok nya at sinagot ako na, mi, nanonood ako ng basketball eh. Di na lang ako umimik. Hutangina. Ang sarap lang iwan nung mga sinasampay ko kagabi. Edi ang ending naiwan akong mag-isa.
Pagbaba ko, sinalubong nya ako ng, mi, tambak. Sa isip-isip ko, itambak ko sayo etong hawak kong timba eh. Di ako umimik, tapos tinanong nya ako kung bakit ako nakasimangot. Di na lang ako umimik pa din, baka makapagsalita ako ng di maganda. Mag-away na naman kami. Tapos inasikaso ko naman ang sarili ko at nahiga na ako. Tapos na syang manood, naglinis na sya ng katawan nya. Inayos ko naman yung higaan namin. Tapos binuksan nya yung TV, sinabihan ko sya na ilipat sa channel 7 kasi nanood ako ng My Husband’s Lover. Hihi. Tapos nung nagawa na nya, humiga na sya. Kumuha ng babasahin at saka ako umimik. Sabi ko, Igawa mo ako ng sampayan dyan sa banyo huh? Tinanong nya ako kung bakit, sabi ko, Para dyan ng ako magsasampay, iaakyat mo na lang. Sagutin ba naman ako na ang sensitive ko. Sabi ko sa kanya, Alam mo pa lang sensitive ako eh. Gawin mo na lang.
Ewan ko lang kung gagawin nya. Kasi kung di nya gagawin, sya na paglalabahin ko at ako na lang ang magsasampay. Kasama lang kasi minsan ng loob.
0

Kanino pa ba magmamana?


Kahapon ay isang araw na puno ng kabusyhan paglilinis ng bahay, kainan, kulitan, asaran at lambingan.
Si Mamoy binibiro si Master. Kasi mahilig sumingit yung anak ko pag nakikita kaming magkadikit ni Mamoy. Edi, niyayakap ako ni Mamoy, iiyak si Master kasi aagawin nya ako sa kanya. Sasabihin ni Mamoy, Mommy ko ito eh. Ang gagawin naman nung maliit, aalisin yung kamay ni Mamoy, pag di nya maalis, idadaan sa iyak. Hehe. Nakakaaliw lang.
Kanino pa ba magmamana ng pagiging seloso yung anak ko? Hihi.
0

TAURUS - The Tramp (April 20 to May 20)

Thursday, August 1, 2013


Aggressive. Loves being in long relationships. Likes to give a good fight. Fight for what they want. Can be annoying at times, but for the love of attention. Extremely outgoing. Loves to help people in times of need. Good kisser. Good personality. Stubborn. A caring person. They can be self-centred and if they want something they will do anything to get it. They love to sleep and can be lazy. One of a kind. Not one to mess with. Are the most attractive people on earth!
0

Ui blooming ka

Yan ang laging sinasabi saken ng mga tao na medyo matagal ko nang di nakikita. Pucha, may blooming ba na puro tagihawat sa noo? At feeling ko ang haggard ko everyday dahil sa mga !@#$%^& kong mga officemate? 
11

Cool Off

Friday, July 26, 2013

I saw a post in Tumblr, so here it goes...

So I had a syrvey kung "Bakit may cool off sa realsyon?" in a group message.
(At eto ang mga sagot nila)
Alec Yuson: Para hindi mapaso..
Karen Castillo: Kasi may problema sa relationship na time lang ang makakaayos :)
Frances Celis: Pag guy ang nakipag-cooloff, ibig sabihin ayaw na niya. Ayaw niya lang na siya yung mag end ng relationship.
                       May problema na ayaw sabihin nung isa kaya need niya ng time para magisip kung anong gagawin.
George Narag: Para mamiss nila ang isa’t isa at mabigyan sila ng time para magisip.
Albrey Danoso: Kasi yung iba pagod na. Pagod na sa lahat lahat ng pinaggagagawa nila or ayaw ng parents nila sa isa’t isa.
Jumai Herrera: Because two persons are too dumb to compromise.
Unknown: Para masubukan kung love talaga nila ang isa’t isa.
Kristen Catapa: Para mas marealize nila ang kahalagahan ng presensiya ng bawat isa. :)
Kris Bombasi: Kaya may cooloff po sa isang relationship baka kasi kailangan minsan ng space. Kadalasan naggaganun sila tuwing nagaaway sila. Kailangan nila ng oras magisip.
Ging Lomboy: May cool off sa isang relasyon dahil kailangan magkaroon ng space at personal time para pagisipan ang mga bagay bgaya tungkol sa sarili at sa inyong dalawa.
Nikki: Cool off?? Kasi minsan hindi mapunan ng isa ang pangangailangan ng partner niya or may nagagawang mali lagi yung taong yun and that one can’t let go kaya nauuwi sa cool off Pwede naman dahil nakakita siya ng higit sa partner niya kaya he/she is having a cold feet.
Micmic Dorado: Para may space, kasi kahit magkarelasyon kayo, may personal pa din kayong buhay kailangan niyo ng time alone to sort out your priorities and the like. :))
Aljay Habulan: Kasi po lahat ng tao kailangan ng personal space. Kailangan po matuto yung mga taong mabuhay maisa. Hindi po pwede idepende yung buhay natin sa karelsyon kasi hindi po habang buhay andyan sila. Saglit na panahon lang naman po ang pag cocool off. Hindi naman po break up. Babalik at babalik din sila.
Jaia Dela Rosa: Siguro kaya nagkakacool-off pag hindi na kayang ihandle ng dalawang tao yung relationship nila :)
Flora Matienzo: Para magkaroon ang isang couple ng space para makapag isip isip..
Jiro Keroro: To cool down the situation, To give both an individual space and time to think, reflect, sort things out reducing the accountability for one another’s feelings and concerns. It is also a form of “REST" given to a relationship that is starting to become (more) complicated. Also often used to resolve certain problems that are currently present in the relationship.
Hannah Tesoro: Give time or space to think OR para hindi mabigla yung isa na gusto na makipagbreak nung isa.
Bianca Bayonito: Para may time na magrel\flect ang isa’t isa kung may away man or para may distansya.
Yanni Elloso: Kasi nasa Pilipinas sila tapos mainit :(

At umepal ako, eto naman ang sagot ko. Pero nag-anon na lang ako sa kanya, baka kasi awkward, umo-opinyon pa ko eh. Hahahahahaha.

If you will ask me, cool off is just a not-so-hurtful term pero expect an upcoming break-up. sa mag gf/bf pa lang, u dont have the 24hrs na magkasama db? so u have enough time to think things and how u will sort some stuffs. then why cool off pa? Paano pag mag-asawa na kayo, pag may problema, cool off din? Kaya for me, there is no such thing as cool off. Mag-break na lang kayo kung ganun din lang na di nyo pala kayang i-handle ang problems sa relationship nyo.

Kayo sa tingin nyo? Bakit nga ba?
0

To End Or Not

Ka text ko kanina si Theresa. Ayun nagsabi ako sa kanya ng mga bagay-bagay na di ko masabi sa iba. Sya lang naman maaasahan ko sa ganun. Hayyy.

Ayun, sinabi ko sa kanya mga kaputahan ng mga katrabaho ko dito, kaya naunawaan nya kung bakit ako nai-stress. Actually, kahit sya nainis sya sa mga nangyayari saken dito. Kinukumbinsi nya nga ako wag nang magpa-renew kung sakaling ire-renew pa ang contract ko dito. Pero syempre, nahihiya ako kay Mamoy, naaawa ako sa kanya, kasi sya sasagot ng lahat ng expenses namin ulet. Eh mas pabor pa sya kung i-endo ako instead na ako ang magsabi sa work na ayaw ko na. Sinasabi nya saken lagi, tiis lang daw muna ako. Hayyyyy buhay. Sabi  ko nga kay Theresa, di ko kayang lokohin si Mamoy na magpapanggap ako na endo na ko pero yun pala ayoko nang magpa-renew. Para ko syang pinagtaksilan pag ganun. Sabi na lang saken ni Theresa, wag daw ako magrereklamo sa kanya kung ganun. Hay, leche lungs.

Kagabi nga di ako makatulog kasi nag-iisip ako kung ire-renew ako. Sa totoo lang, gusto ko pang ma-renew kasi kailangan ko ng trabaho. Pero kung usapang pakikisama sa mga tao dito, ayoko nang mag-renew. Hayyy, kakagago kasi mga tao dito eh kaya ayoko na. Umiiyak ako kagabi. Hay.

Iniisip ko pa nga na magpa-check up na ko. Baka kasi ako na ang may probelma. Magpapatingin ako sa psychiatrist. Deal ko kay Lord, pag kinuha saken ni Mamoy yun sahod ko di ako tutuloy. Pero pag di nya kinuha, ibig sabihin gora ako sa doctor. Kaso, kinuha ni Mamoy, kaya pray ko kanina, si Lord na bahala saken kung ano ba talaga.
0

Jokes are half-meant.

"Pumili ka sa dalawa. Kaninong buhay ang gusto mong sirain ko, sa’yo o sa kanya?"

Kahit tawa kami ng tawa sa kulitan namin kagabi. Seseryosohin ko talaga yan kaya wag nyang subukang gawin.
Kung sasabihan mo ko na ang brutal ko, tse, baka masampal pa kita. Baka nga kulangin pa eh.
Kasi alam nyo ba people kung bakit ganito ako? Kasi lahat ng bagay na nasa akin ngayon pati na rin yung mga taong mahal ko, mga pinaghirapanko lahat ng yun! At try mong lumugar saken, pinaghirapan mo tapos makikita mong inaagaw ng ibang tao? Pwes, patayan na ituuuuuu!
Pero echos lang lahat ng iyan. Di naman ako ganun ka-brutal. Basta alam ko na sa sarili ko kung anong gagawin ko. Kaya kung may balak kang agawin saken, huh~ magtatlong isip ka na!
0

Back to work

Thursday, July 25, 2013

Pero wala akong ginagawa, nagbabasa ako sa blog ng isang sikat na blogger :D Hangkewl nya :)

Ok, so galing nga ako sa SM kaninang lunchbreak. At puchaaaaaa, ang sarap ng feeling na nakalabas ng office. Ewan ko ba kung anong masamang pwersa meron sa opisinang ito at di na ko nagkaroon ng magandang aura kahit minsan man lang.

Nawala ang masamang pakiramdam ko. Kasi nasusuka ako kanina. Tapos, parang ang saya-saya ko, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Para akong bagong laya. Hahahaha. Mamayang uwian, ganyan na naman ulit ang pakiramdam ko.

Para tuloy ayoko nang magtrabaho dito. Sa Monday, kakausapin ko na talaga si Boss. Di ko na matiis. Kung di nya ako ililipat, di na lang ako magre-renew. Hahaha. Akala mo ang dami kong pangkain. Ewan ko, basta. Kaso di ko alam kung paano ko mapapapayag si Mamoy. Ang para lang sa kanya, pag di na ko na-renew OK lang sa kanya, kasi wala naman talagang magagawa, di naman pwedeng ipilit yun. Pero pag na-renew ako, parang di ako pwedeng mag-inarte at mag-resign. Ewan ko sa kanya. Sinasabi nya na lang lagi saken na wag kong pansinin yung mga officemate kong kupal pero paano ko ba silang di mapapansin eh araw-araw kong nakikita at naririnig. Buti sana kung sa ibang parte ng opisina sila, yun mabubuhay ako ng matiwasay.

Hayyy naku, ang hirap ng buhay na nangangamuhan, kailangan mong makisama kundi wala kang trabaho.


Hayyy, kelan kaya ako makakapulot ng bag na may lamang milyones?
0

Dear Mahal,

Kailan mo ba ako papayagan na ubusin ang buong sweldo ko nang hindi ka nagagalit?

Will love you till forever,
Ming
0

Sinong pupunta ng SM Manila?

Tara samahan nyo ako, magwwithdraw ako at ililibre ko kayo.
Leche, baka maholdap ako, joke lang.
Gusto ko maglakad-lakad. Kakasawa dito sa office. Saka nasusuka ako (pero hindi sa mga officemate ko, kundi masama pakiramdam ko), makakita man lang ng iba at  baka may kakaiba, mag-uubos ako ng pera. Joke lang ulit.
Mag-aaliw lang ako. Wala ako sa mood kumain.
0

Bus Ban in Manila

Oh well, since I am living here in Tondo, Manila at and working within the vicinity, por pabor saken ang Bus Bun ni Mayor Erap. Pero how about the others the nagwowork dine sa Manila at sa ibang city nakatira? Hayyy, edi ayun, sandamakmak ang reklamo.
May one week nang balita ang Bus Ban na iyan. Ilang reporters na din ang napanood ko na sumakay ng jeep o LRT o PNR o MRT (din ata?) para sumubok kung gaano na ba kahirap ang pagko-commute dito sa Manila. Nag-interview din sila ng kung sinu-sinong makakatabi nila, may ilang pabor at madalas puro reklamo.
Kahapon, nabasa ko sa isang write-up ng Yahoo! ang tungkol sa Bus Ban, at scroll downwards, nabasa ko ang comments ng ating dear fellow Filipinos. Siguro nasa 80% ang nega comments to the max at may isang comment ang pumukaw ng aking atensyon. Nasabi nya na bakit di daw sila (yun mga nagrereklamo) pumunta ng ibang bansa, makikita nila dun na lahat ng tao naglalakad. Nasanay daw kasi tayong mga Pilipino na easy-living. May point yung kung sino mang nakomento na iyon. At ang sabi pa ng aming poging Vice-Mayor na tiis na lang muna.
Actually, maganda ang naisin ng namamahala ng Maynila sa kanilang ipinatutupad. Pero yun nga lang, sadyang marami sa ating mga Pilipino ang reklamador. Tama nga naman, konting tiis muna. Kasi di ba, kung hindi mag-click, gawa ulit ng ibang paraan. Ganun lang naman eh. Ang hirap kasi sa atin, ang dami nating reklamo sa ating bansa, pag ginawan ng solusyon, reklamo pa din. Hindi ba pwedeng mag-trial and error muna tayo? Gusto natin kasi agad, pag sinolusyunan, pang long term ang maiisip na solution. Hindi ba pwedeng magkamali? Gusto perfect agad? Di ba?
Susme, pinoy nga naman.
0

Kainis pati blogspot naka-block

Pero pero pero, pag nag-open ako through blogger, nakakagawa pa ko ng posts. Post preview, nakukuha ko pa. Pero pag blog view, hindi na. Tae naman kasi tong IT Department na ito eh. Hehehehe. Panira ng kasiyahan. Anyway, thank God hindi pa tinatamaan ang Tumblr. Pero pag ginawa nila yun, pucha, pakamatay na ko. ECHOS! Deh, wag naman sana. Ito na nga lang ang way ko para magsabi ng lahat ng aking naiisip. Kasi may iba akong naiisip na nasa isip lang. Hehehehe.

Dear Mr. IT-Head-Na-Pogi,

Please lang po, hinayaan ko na nga na i-block mo ang Facebook kasi di naman ako masyadong nasisiyahan duon pero sana wag naman po ang mga blogging sites. Iba naman po ang blogging sites sa social networking sites eh.

Ang di magpapahuli,
Ming
0

Life is really unfair. So fuck them all.

Tatlo na yung nakikita ko na … di ko alam kung anong tawag sa mga eto .. Pero pag nag-open ka ng blocked sites, isa sa mga ito ang maaari mong makita
  • Blocked DNS
  • Untangled
  • DN .. chuva, nakalimutan ko na

Ang saklap ng katayuan ko dito ngayon sa office. Di ko nga close mga tao dito tapos yung pangalawa kong rason kung bakit ako pumapasok sa trabaho (dahil number one eh ang sahod), eh aalisin pa nila.


0

Saridon Tablet

Yan po ang saridon, people :)


2

Fake Saridon

Saridon ang pinakilala saken na gamot ng aking dating tauhan para sa matinding sakit ng ulo. One time, masakit ang aking ulo, binigyan nya ako ng gamot na ito, at tadaaaah, ilang minutes lang, parang instant, nawala ang sakit ng ulo ko. Sabi nya sa akin, yan ang iniinom nya tuwing nilalagnat sya, kase may binat sya mula sa panganganak.

Kaya, from that time, pag masakit ang ulo ko, Saridon ang aking binibili at iniinom na gamot. Ito din ang binibigay kong gamot para kay Mamoy pag sumasakit ang ulo. Kahit sya, tried and tested na nya ito.

Pero neto lamang mga nakaraang buwan, every time sasakit ang ulo ko, syempre kay Saridon ang takbo ko, pero parang nawalan na ata sya ng talab.
Pag iinom ka kasi neto, may parang cooling effect sa lalamunan kang mararamdaman. Pero neto ngang mga nakaraan, wala yung effect na yun. At wa epek din sa sakit ng ulo ko. Sabi ko tuloy kay Mamoy, baka wala nang epekto ang Saridon sa akin at baka ang kailangan ko na eh check-up. Hahahaha. Baka kasi  malala na pala ang sakit ko di na madaan sa gamot. Kaya pag sumasakit ang ulo ko, Saridon at Mefenamic Acid ang iniinom ko. Hahahaha. Pang matindi na ito. Buti nga nasa katinuan pa ko. Hehe.
So bale kanina, nang lumabas ako ng bahay, nakaramdam ako ng sakit ng ulo. Habang nasa byahe ako, sumasakit talaga ang ulo ko. Nang dumating na ko dito sa office, ininom ko yung isang Mefenamic Acid, wa eoek nga lang. Di ako makapag-concentrate sa aking mga kabulastugan. Hahahaha. Deh joke nagtatrabaho ako noh? So napilitan akong uminom ng Saridon. Pucha, naramdaman ko ulit si cooling effect. Ang sarap sa ilong. At naramdaman ko ang instant pagkawala ng ulo, este, sakit ng ulo ko. At heto ako ngayon, gumagawa na ulit ng kabulastugan. ECHOS!


So ayun, I therefore conclude that I was been a victim of fake Saridons before because it has no effect. Hahahahaha. Kaya ayun people, bumili lang ng gamot sa talagang botika! Kasi di natin alam na baka peke pala yung binebenta sa atin.
0

Planning For A Perfect Yet Budget Friendly Travel?

Tuesday, July 16, 2013

Nimble Travel and Tours


WE ORGANIZE EVERYTHING CONCERNING ANY KIND OF TOUR YOU WANT! 
We offer international and domestic destinations that will fit your tight budget but will not suffer the relaxing amenities you deserve to get!

FOR VAN RATES:
Bulacan, Tagaytay, Subic, Pampanga - 3, 500/ day*
Bicol, Baguio, Banawe, Ilocos - 5, 000/ day*
Pick up and drop from airport (within Metro Manila Area) - 2, 500/day**
VAN has the capacity of 15 seaters including the driver.
*Diesel, toll fee, parking fee and food of the driver for renteers account.
**Rate includes diesel.

FOR CHEAP TOURIST BUS RENTAL RATES:
*Please do not hesitate to contact us to know the rates.

Prices are negotiable! And we are giving up to 35% discount!

Nimble Travel and Tours is a DOT accredited Travel Agency.

Where we offer these good and quality services:
1. Shuttle service for the companies and schools.
2. Travel itineraries for School Field trips and Company outings.
3. Organize venues for conference meetings, birthdays, wedding, etc.
4.  Hotel room reservations in the Philippines and International.
5. Tour guiding from local and international.
6. Team building Activities. (Bulacan, Tagaytay, Boracay, Zambales)
7. Airfare ticketing assistance both local and international.
8. Organize tours in the beach hotel and resorts in the Philippines and abroad.
9. Drop and pick up from different destinations.
10. Van, bus and shuttles are fully air – conditioned.

Terms and Conditions:
1. Prizes are negotiable. Up to 35% discount!
2. 50% down payment upon contract signing and the balance before the trip.
3. Driver and Gasoline are included in the package.
4. Toll fee, parking fee and food of the driver for renters account.

What are you waiting for ? Contact us and plan your tour now!
Look For
Romie Marie Salanga – 09165166261
Michelle Salanga - 0935 286 5264 / 09216667405
Or call us at 02-4068477
You may also email us at
nimble.travel.tours@gmail.com

For Text Inquiries Kindly include the following for faster transaction:
Name,
Date of trip,
No. of days,
Pick up place,
Destination,
Number of persons,
Contact Details (cellphone, landline and/or email)

Note: Prices Are Subject To Change Without Prior Notice