0

Parang ganito lang yan...

Sunday, August 11, 2013


Naglalakad ka sa daan. Sa paglalakad mo, may nakita kang mama na nagtitinda ng ibon. Bumili ka ng isa, at nagpatuloy ka na sa paglalakad. Sa paglalakad mo, kasama mo na yung ibon. Syempre makakaramdam ka ng saya dahil sa presensya nyang nakakaaliw. Pero biglang umulan, naghanap ka ng masisilungan at aksidente mong nabitawan yung ibon. Syempre, lilipad na iyon. Wala na sa kamay mo. Nang tumigil yung ulan, dalawang bagay lang ang pwede mong gawin, magpaka-stuck sa lugar na yun at umasang lilipad pabalik sayo yung ibon o didiretso ng paglakad na wala na yung ibon?
Just think of this, as they say, we meet them either to learn something from them or makasama pa rin natin sa paglalakad ng buhay. We still have the same life before sya dumating at after nya mawala. It’s just that, there is this certain point of our life na darating sya at medyo maiiba yung paraan natin ng pagtahak sa buhay na ito. At there is also this point na maaari syang umalis.
They say, people just come and go. And it is still up to us whether we will continue our life miserable, missing that person or being happy because we are given the chance to meet and love them.
0

Zumba


Last Thursday, on my way home, naisipan kong dumaan sa nagtitinda ng dibidi para bumili ng maaari naming panoorin ni Master. I stumbled upon this P10 only dibidi store. Edi pili to da max ako kasi mura lang at yung iba dun medyo bago pang mga movie.
Sa pag-iikot ng aking mga mata, nakita ko ang isang dibidi na Zumba. Matagal na akong naghahanap neto kaso nahihiya ako magtanong sa nagtitinda kasi baka maya may kasabayan akong bumili tapos tignan ako from head to stomach to toe. Baka makajombag ako ng wala sa oras. Hihi.
At nakabili ako ng tatlong dibidi. Isa yung, Jack the Giant Slayer, White House Down, at ang Zumba.
Pagdating sa bahay, inuna ko ang Zumba, sneek-peek lang naman. Oh well, I was satisfied sa nakita ko kasi talagang Zumba eching nga sya. Bukas ka saken, hehehe. Sabi ko sa sarili ko. Saka may pasok si Tzade kaya makakasayaw ako ng matiwasay na walang nang-aalaska.
Tapos, sinalang ko na ang Jack the Giant Slayer, at sawa kami manood ni Master, while I’m preparing for the dinner.
Kinabukasan…
Maagang umalis si Tzade. Pinainom ko muna ng gatas si Master at ininom ko yung natirang kape ni Tzade. At presto after that, play ang Zumba.
Isang part lang muna ang tinira ko kasi nag-inaso si Master, pinapaulit yung pinanood namin kagabi. Para tumahimik, pinagbigyan ko. Tapos inayos ko na yung breakfast naming dalawa, at natulog kami.
After an hour, nagising ako, tulog pa din si Master, at tumira ulit ako ng pagsayaw ng Zumba. Naka-tatlong part naman ako. Grabe ang pawis ko, tumataginting.
Kaso, hirap na akong gumalaw ngayon, unlike nung college, carry lahat ng moves at carry kahit maghapon hanggang gabi na practice. Ngayon, more than an hour lang, grabe na ang hingal ko. Ang bigat na din ng katawan ko. Ang alog na din ng braso ko :( Kaya sabi ko, dapat tuloy-tuloy ito.
Kaso, ang problema ko si Mamoy. Kasi naman, ayoko na inaalaska nya ako. Kaya dapat pag nawawala sya dun ako magus-Zumba. For the win.
0

One of the Rules for Happy Living


Keep quiet.
Live your life.
And don’t mind those madapacking sheets.
0

“Lahat ng lalaki, me titi. Pero hindi lahat, me bayag.”


— 
Mamaru

Yan yung sinasabi ng isang quote na, “Not all men have balls.”
Totoo naman. Yan ang mga lalaking walang sense of responsibility sa buhay, happy-go-lucking, walang direksyon. Gusto lang puro sex, pag nakabuo, mang-iiwan na lang. Yan yung mga lalaking DUWAG.
Naging biktima ako ng ganyang klase ng lalaki – for the record, Master’s real dad. Masakit mang tanggapin pero alam ko may mali din ako dito. Shunga-shungahan lang din noon.
Kaya, ngayon, nagagalit ako sa mga lalaking nang-iiwan ng babaeng nabuntis nila. Mga lalakeng nananakit ng babae. Mga lalaking buhay hari at yung babae ang pinagtatrabaho.
Minsan pinagdadasal ko kay Lord, sana wag na silang dumami. O kaya magpakidlat sya at tamaan ang lahat ng ganung klase ng lalaki para di na madagdagan biktima nila.
Kaya si Master, pinalalaki ko sya na di matulad sa mga ganyang klase ng lalaki. At maswerte ako kasi si Mamoy hindi ganyan.
0

“I’m sensitive. Deal with it. If you can’t, that’s no longer my problem anymore.”



Pinost ko kanina sa facebook. Ang taray ko ano? May pinaghuhugutan kasi ako. Nag-inaso na naman kasi ako kagabi. Boset na Mamoy yun.
Edi, nagsideline na naman ako kagabi sa mga amo ko. Mga wala na kasing susuotin kaya naglaba na ako. Tulad ng dati, ako na naman lahat, si Mamoy lang ang huling banlaw, hakot sa rooftop at sampay ng konte. Nung nagsasampay kami, sabi ko, hintayin mo ako, huh? Naknampucha, saan kaya galing yung masamang hangin sa tuktok nya at sinagot ako na, mi, nanonood ako ng basketball eh. Di na lang ako umimik. Hutangina. Ang sarap lang iwan nung mga sinasampay ko kagabi. Edi ang ending naiwan akong mag-isa.
Pagbaba ko, sinalubong nya ako ng, mi, tambak. Sa isip-isip ko, itambak ko sayo etong hawak kong timba eh. Di ako umimik, tapos tinanong nya ako kung bakit ako nakasimangot. Di na lang ako umimik pa din, baka makapagsalita ako ng di maganda. Mag-away na naman kami. Tapos inasikaso ko naman ang sarili ko at nahiga na ako. Tapos na syang manood, naglinis na sya ng katawan nya. Inayos ko naman yung higaan namin. Tapos binuksan nya yung TV, sinabihan ko sya na ilipat sa channel 7 kasi nanood ako ng My Husband’s Lover. Hihi. Tapos nung nagawa na nya, humiga na sya. Kumuha ng babasahin at saka ako umimik. Sabi ko, Igawa mo ako ng sampayan dyan sa banyo huh? Tinanong nya ako kung bakit, sabi ko, Para dyan ng ako magsasampay, iaakyat mo na lang. Sagutin ba naman ako na ang sensitive ko. Sabi ko sa kanya, Alam mo pa lang sensitive ako eh. Gawin mo na lang.
Ewan ko lang kung gagawin nya. Kasi kung di nya gagawin, sya na paglalabahin ko at ako na lang ang magsasampay. Kasama lang kasi minsan ng loob.
0

Kanino pa ba magmamana?


Kahapon ay isang araw na puno ng kabusyhan paglilinis ng bahay, kainan, kulitan, asaran at lambingan.
Si Mamoy binibiro si Master. Kasi mahilig sumingit yung anak ko pag nakikita kaming magkadikit ni Mamoy. Edi, niyayakap ako ni Mamoy, iiyak si Master kasi aagawin nya ako sa kanya. Sasabihin ni Mamoy, Mommy ko ito eh. Ang gagawin naman nung maliit, aalisin yung kamay ni Mamoy, pag di nya maalis, idadaan sa iyak. Hehe. Nakakaaliw lang.
Kanino pa ba magmamana ng pagiging seloso yung anak ko? Hihi.
0

TAURUS - The Tramp (April 20 to May 20)

Thursday, August 1, 2013


Aggressive. Loves being in long relationships. Likes to give a good fight. Fight for what they want. Can be annoying at times, but for the love of attention. Extremely outgoing. Loves to help people in times of need. Good kisser. Good personality. Stubborn. A caring person. They can be self-centred and if they want something they will do anything to get it. They love to sleep and can be lazy. One of a kind. Not one to mess with. Are the most attractive people on earth!
0

Ui blooming ka

Yan ang laging sinasabi saken ng mga tao na medyo matagal ko nang di nakikita. Pucha, may blooming ba na puro tagihawat sa noo? At feeling ko ang haggard ko everyday dahil sa mga !@#$%^& kong mga officemate? 
11

Cool Off

Friday, July 26, 2013

I saw a post in Tumblr, so here it goes...

So I had a syrvey kung "Bakit may cool off sa realsyon?" in a group message.
(At eto ang mga sagot nila)
Alec Yuson: Para hindi mapaso..
Karen Castillo: Kasi may problema sa relationship na time lang ang makakaayos :)
Frances Celis: Pag guy ang nakipag-cooloff, ibig sabihin ayaw na niya. Ayaw niya lang na siya yung mag end ng relationship.
                       May problema na ayaw sabihin nung isa kaya need niya ng time para magisip kung anong gagawin.
George Narag: Para mamiss nila ang isa’t isa at mabigyan sila ng time para magisip.
Albrey Danoso: Kasi yung iba pagod na. Pagod na sa lahat lahat ng pinaggagagawa nila or ayaw ng parents nila sa isa’t isa.
Jumai Herrera: Because two persons are too dumb to compromise.
Unknown: Para masubukan kung love talaga nila ang isa’t isa.
Kristen Catapa: Para mas marealize nila ang kahalagahan ng presensiya ng bawat isa. :)
Kris Bombasi: Kaya may cooloff po sa isang relationship baka kasi kailangan minsan ng space. Kadalasan naggaganun sila tuwing nagaaway sila. Kailangan nila ng oras magisip.
Ging Lomboy: May cool off sa isang relasyon dahil kailangan magkaroon ng space at personal time para pagisipan ang mga bagay bgaya tungkol sa sarili at sa inyong dalawa.
Nikki: Cool off?? Kasi minsan hindi mapunan ng isa ang pangangailangan ng partner niya or may nagagawang mali lagi yung taong yun and that one can’t let go kaya nauuwi sa cool off Pwede naman dahil nakakita siya ng higit sa partner niya kaya he/she is having a cold feet.
Micmic Dorado: Para may space, kasi kahit magkarelasyon kayo, may personal pa din kayong buhay kailangan niyo ng time alone to sort out your priorities and the like. :))
Aljay Habulan: Kasi po lahat ng tao kailangan ng personal space. Kailangan po matuto yung mga taong mabuhay maisa. Hindi po pwede idepende yung buhay natin sa karelsyon kasi hindi po habang buhay andyan sila. Saglit na panahon lang naman po ang pag cocool off. Hindi naman po break up. Babalik at babalik din sila.
Jaia Dela Rosa: Siguro kaya nagkakacool-off pag hindi na kayang ihandle ng dalawang tao yung relationship nila :)
Flora Matienzo: Para magkaroon ang isang couple ng space para makapag isip isip..
Jiro Keroro: To cool down the situation, To give both an individual space and time to think, reflect, sort things out reducing the accountability for one another’s feelings and concerns. It is also a form of “REST" given to a relationship that is starting to become (more) complicated. Also often used to resolve certain problems that are currently present in the relationship.
Hannah Tesoro: Give time or space to think OR para hindi mabigla yung isa na gusto na makipagbreak nung isa.
Bianca Bayonito: Para may time na magrel\flect ang isa’t isa kung may away man or para may distansya.
Yanni Elloso: Kasi nasa Pilipinas sila tapos mainit :(

At umepal ako, eto naman ang sagot ko. Pero nag-anon na lang ako sa kanya, baka kasi awkward, umo-opinyon pa ko eh. Hahahahahaha.

If you will ask me, cool off is just a not-so-hurtful term pero expect an upcoming break-up. sa mag gf/bf pa lang, u dont have the 24hrs na magkasama db? so u have enough time to think things and how u will sort some stuffs. then why cool off pa? Paano pag mag-asawa na kayo, pag may problema, cool off din? Kaya for me, there is no such thing as cool off. Mag-break na lang kayo kung ganun din lang na di nyo pala kayang i-handle ang problems sa relationship nyo.

Kayo sa tingin nyo? Bakit nga ba?
0

To End Or Not

Ka text ko kanina si Theresa. Ayun nagsabi ako sa kanya ng mga bagay-bagay na di ko masabi sa iba. Sya lang naman maaasahan ko sa ganun. Hayyy.

Ayun, sinabi ko sa kanya mga kaputahan ng mga katrabaho ko dito, kaya naunawaan nya kung bakit ako nai-stress. Actually, kahit sya nainis sya sa mga nangyayari saken dito. Kinukumbinsi nya nga ako wag nang magpa-renew kung sakaling ire-renew pa ang contract ko dito. Pero syempre, nahihiya ako kay Mamoy, naaawa ako sa kanya, kasi sya sasagot ng lahat ng expenses namin ulet. Eh mas pabor pa sya kung i-endo ako instead na ako ang magsabi sa work na ayaw ko na. Sinasabi nya saken lagi, tiis lang daw muna ako. Hayyyyy buhay. Sabi  ko nga kay Theresa, di ko kayang lokohin si Mamoy na magpapanggap ako na endo na ko pero yun pala ayoko nang magpa-renew. Para ko syang pinagtaksilan pag ganun. Sabi na lang saken ni Theresa, wag daw ako magrereklamo sa kanya kung ganun. Hay, leche lungs.

Kagabi nga di ako makatulog kasi nag-iisip ako kung ire-renew ako. Sa totoo lang, gusto ko pang ma-renew kasi kailangan ko ng trabaho. Pero kung usapang pakikisama sa mga tao dito, ayoko nang mag-renew. Hayyy, kakagago kasi mga tao dito eh kaya ayoko na. Umiiyak ako kagabi. Hay.

Iniisip ko pa nga na magpa-check up na ko. Baka kasi ako na ang may probelma. Magpapatingin ako sa psychiatrist. Deal ko kay Lord, pag kinuha saken ni Mamoy yun sahod ko di ako tutuloy. Pero pag di nya kinuha, ibig sabihin gora ako sa doctor. Kaso, kinuha ni Mamoy, kaya pray ko kanina, si Lord na bahala saken kung ano ba talaga.