- Nagtext Si Mamoy...
- Mamoy: Mahal kung mataba na sexy, hehe. D2 n q office.
- Ming: Ok po, asawa kong pogi na feeling Chris Tiu. Mwah
0
Lakas magbolahan. Mga hugis bola kasi.
0
If you are a Globe Subscriber and a certain promo eching eats up your load
Type Stop All and send to the number that keeps on texting you.
Eg. Type Stop All and send to 2626.
Yan yung putanginang kiliti.com.ph na di ko alam kung paano ako napa subscribe dun.
0
Buffet 101
Me: Good afternoon Sir. Sorry to inform you that I will not come to our dinner tonight.
Boss: Kasama ka. Part ka ng team.
Me: I know sir, thanks. May sakit po kasi anak ko.
Honestly, hindi naman as in sakit na sakit yung anak ko. May ubo kasi sya, ayoko na nagsasaya ako tapos yung anak ko may nararamdaman. And ino-observe ko pa sya before ko dalhin sa doctor. Kasi di naman ako nagpupunta agad-agad ng doctor kung gagaling naman agad yung sakit.
Saka, ayoko sumama sa kanila. Kahit kakain sila sa Buffet 101. Di naman kasi ako sabik sa mga ganun. Gusto ko kung makakapag-dine ako dun ang una kong kasama family ko. Hindi ibang tao. Ayoko kasi na nagsasaya ako tapos yung mag-ama ko parang kawawa sa bahay. Sama ko naman.
Saka, alam ko na part ako ng team. Alam ko I contributed something para ma-reach namin ang quota at magkaroon ng ganitong reward. Sana wag isipin ni boss na nag-iinarte ako. Sadyang ayaw ko lang.
Hay, kung pinera na lang nila. Mas masaya pa ako. Hehehe.
0
If people doesn’t like you
Just think of these two things instead of hurting yourself:
- Let them be. As the old saying goes, You can’t please everybody.
- Accept and continue your life. Besides, they don’t feed you. There’s no way you can change that. Live with it.
0
Parang ganito lang yan...
Naglalakad ka sa daan. Sa paglalakad mo, may nakita kang mama na nagtitinda ng ibon. Bumili ka ng isa, at nagpatuloy ka na sa paglalakad. Sa paglalakad mo, kasama mo na yung ibon. Syempre makakaramdam ka ng saya dahil sa presensya nyang nakakaaliw. Pero biglang umulan, naghanap ka ng masisilungan at aksidente mong nabitawan yung ibon. Syempre, lilipad na iyon. Wala na sa kamay mo. Nang tumigil yung ulan, dalawang bagay lang ang pwede mong gawin, magpaka-stuck sa lugar na yun at umasang lilipad pabalik sayo yung ibon o didiretso ng paglakad na wala na yung ibon?
Just think of this, as they say, we meet them either to learn something from them or makasama pa rin natin sa paglalakad ng buhay. We still have the same life before sya dumating at after nya mawala. It’s just that, there is this certain point of our life na darating sya at medyo maiiba yung paraan natin ng pagtahak sa buhay na ito. At there is also this point na maaari syang umalis.
They say, people just come and go. And it is still up to us whether we will continue our life miserable, missing that person or being happy because we are given the chance to meet and love them.
0
Zumba
Last Thursday, on my way home, naisipan kong dumaan sa nagtitinda ng dibidi para bumili ng maaari naming panoorin ni Master. I stumbled upon this P10 only dibidi store. Edi pili to da max ako kasi mura lang at yung iba dun medyo bago pang mga movie.
Sa pag-iikot ng aking mga mata, nakita ko ang isang dibidi na Zumba. Matagal na akong naghahanap neto kaso nahihiya ako magtanong sa nagtitinda kasi baka maya may kasabayan akong bumili tapos tignan ako from head to stomach to toe. Baka makajombag ako ng wala sa oras. Hihi.
At nakabili ako ng tatlong dibidi. Isa yung, Jack the Giant Slayer, White House Down, at ang Zumba.
Pagdating sa bahay, inuna ko ang Zumba, sneek-peek lang naman. Oh well, I was satisfied sa nakita ko kasi talagang Zumba eching nga sya. Bukas ka saken, hehehe. Sabi ko sa sarili ko. Saka may pasok si Tzade kaya makakasayaw ako ng matiwasay na walang nang-aalaska.
Tapos, sinalang ko na ang Jack the Giant Slayer, at sawa kami manood ni Master, while I’m preparing for the dinner.
Kinabukasan…
Maagang umalis si Tzade. Pinainom ko muna ng gatas si Master at ininom ko yung natirang kape ni Tzade. At presto after that, play ang Zumba.
Isang part lang muna ang tinira ko kasi nag-inaso si Master, pinapaulit yung pinanood namin kagabi. Para tumahimik, pinagbigyan ko. Tapos inayos ko na yung breakfast naming dalawa, at natulog kami.
After an hour, nagising ako, tulog pa din si Master, at tumira ulit ako ng pagsayaw ng Zumba. Naka-tatlong part naman ako. Grabe ang pawis ko, tumataginting.
Kaso, hirap na akong gumalaw ngayon, unlike nung college, carry lahat ng moves at carry kahit maghapon hanggang gabi na practice. Ngayon, more than an hour lang, grabe na ang hingal ko. Ang bigat na din ng katawan ko. Ang alog na din ng braso ko :( Kaya sabi ko, dapat tuloy-tuloy ito.
Kaso, ang problema ko si Mamoy. Kasi naman, ayoko na inaalaska nya ako. Kaya dapat pag nawawala sya dun ako magus-Zumba. For the win.
0
One of the Rules for Happy Living
Keep quiet.
Live your life.
And don’t mind those madapacking sheets.
0
“Lahat ng lalaki, me titi. Pero hindi lahat, me bayag.”
— |
Mamaru
Yan yung sinasabi ng isang quote na, “Not all men have balls.”
Totoo naman. Yan ang mga lalaking walang sense of responsibility sa buhay, happy-go-lucking, walang direksyon. Gusto lang puro sex, pag nakabuo, mang-iiwan na lang. Yan yung mga lalaking DUWAG.
Naging biktima ako ng ganyang klase ng lalaki – for the record, Master’s real dad. Masakit mang tanggapin pero alam ko may mali din ako dito. Shunga-shungahan lang din noon.
Kaya, ngayon, nagagalit ako sa mga lalaking nang-iiwan ng babaeng nabuntis nila. Mga lalakeng nananakit ng babae. Mga lalaking buhay hari at yung babae ang pinagtatrabaho.
Minsan pinagdadasal ko kay Lord, sana wag na silang dumami. O kaya magpakidlat sya at tamaan ang lahat ng ganung klase ng lalaki para di na madagdagan biktima nila.
Kaya si Master, pinalalaki ko sya na di matulad sa mga ganyang klase ng lalaki. At maswerte ako kasi si Mamoy hindi ganyan.
|
0
“I’m sensitive. Deal with it. If you can’t, that’s no longer my problem anymore.”
Pinost ko kanina sa facebook. Ang taray ko ano? May pinaghuhugutan kasi ako. Nag-inaso na naman kasi ako kagabi. Boset na Mamoy yun.
Edi, nagsideline na naman ako kagabi sa mga amo ko. Mga wala na kasing susuotin kaya naglaba na ako. Tulad ng dati, ako na naman lahat, si Mamoy lang ang huling banlaw, hakot sa rooftop at sampay ng konte. Nung nagsasampay kami, sabi ko, hintayin mo ako, huh? Naknampucha, saan kaya galing yung masamang hangin sa tuktok nya at sinagot ako na, mi, nanonood ako ng basketball eh. Di na lang ako umimik. Hutangina. Ang sarap lang iwan nung mga sinasampay ko kagabi. Edi ang ending naiwan akong mag-isa.
Pagbaba ko, sinalubong nya ako ng, mi, tambak. Sa isip-isip ko, itambak ko sayo etong hawak kong timba eh. Di ako umimik, tapos tinanong nya ako kung bakit ako nakasimangot. Di na lang ako umimik pa din, baka makapagsalita ako ng di maganda. Mag-away na naman kami. Tapos inasikaso ko naman ang sarili ko at nahiga na ako. Tapos na syang manood, naglinis na sya ng katawan nya. Inayos ko naman yung higaan namin. Tapos binuksan nya yung TV, sinabihan ko sya na ilipat sa channel 7 kasi nanood ako ng My Husband’s Lover. Hihi. Tapos nung nagawa na nya, humiga na sya. Kumuha ng babasahin at saka ako umimik. Sabi ko, Igawa mo ako ng sampayan dyan sa banyo huh? Tinanong nya ako kung bakit, sabi ko, Para dyan ng ako magsasampay, iaakyat mo na lang. Sagutin ba naman ako na ang sensitive ko. Sabi ko sa kanya, Alam mo pa lang sensitive ako eh. Gawin mo na lang.
Ewan ko lang kung gagawin nya. Kasi kung di nya gagawin, sya na paglalabahin ko at ako na lang ang magsasampay. Kasama lang kasi minsan ng loob.
|
0
Kanino pa ba magmamana?
Kahapon ay isang araw na puno ng kabusyhan paglilinis ng bahay, kainan, kulitan, asaran at lambingan.
Si Mamoy binibiro si Master. Kasi mahilig sumingit yung anak ko pag nakikita kaming magkadikit ni Mamoy. Edi, niyayakap ako ni Mamoy, iiyak si Master kasi aagawin nya ako sa kanya. Sasabihin ni Mamoy, Mommy ko ito eh. Ang gagawin naman nung maliit, aalisin yung kamay ni Mamoy, pag di nya maalis, idadaan sa iyak. Hehe. Nakakaaliw lang.
Kanino pa ba magmamana ng pagiging seloso yung anak ko? Hihi.
0
TAURUS - The Tramp (April 20 to May 20)
Aggressive. Loves being in long relationships. Likes to give a good fight. Fight for what they want. Can be annoying at times, but for the love of attention. Extremely outgoing. Loves to help people in times of need. Good kisser. Good personality. Stubborn. A caring person. They can be self-centred and if they want something they will do anything to get it. They love to sleep and can be lazy. One of a kind. Not one to mess with. Are the most attractive people on earth!
0
Ui blooming ka
Yan ang laging sinasabi saken ng mga tao na medyo matagal ko nang di nakikita. Pucha, may blooming ba na puro tagihawat sa noo? At feeling ko ang haggard ko everyday dahil sa mga !@#$%^& kong mga officemate?
Subscribe to:
Posts (Atom)